Burning car at NAIA terminal 1 bridge
Isang nagliliyab na kotse ang namataan sa may tulay ng NAIA 1, Linggo, alas-10 ng gabi. Ang youscooper na si Joemar ay nagkataong may susunduin na kaanak sa airport ng mga panahong iyon. Hindi pa malaman ang dahilan ng pagsabog maliban sa nakita itong unang umuusok ayon sa mga taong nakasaksi.  Hindi pa matukoy kung may mga namatay o sugatan dahil hindi sigurado ang youscooper kung may ibang sakay ang kotse maliban sa driver na napagalamang  nakababa mula sa sasakyan at hindi nasaktan. Bago pa man sila tuluyang makaalis sa lugar ng insidente, nakita nila ang pagdating ng mga bombero upang apulahin ang apoy at mga pulis upang imbestigahan ang insidente.Â