Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Can Bayani Fernando lick corruption at NAIA?


Dear Sir/Ma'am, Magandang umaga po sa inyong lahat 'Di ko po alam kung saan ko po sisimulan ang liham kong ito. Madalas po akong nagbabasa dito sa mga sulat ng ating mga kababayan tungkol sa kanilang buhay abroad. Parehas din po pala ang nararanasan namin ng isang kababayan natin na nagtatatrabaho sa bansang Lebanon. Dahilan po sa ipinagbabawal ang pagpunta sa bansang Lebanon at Iraq, 'di po namin magawang magbakasyon dahilan sa natatakot kaming 'di na makabalik pa at mawalan ng hanapbuhay. Ako po ay nagtatrabaho dito sa Iraq simula noong year 2005 pa po. Nagtatrabaho bilang cleaner o tagalinis ng mga rooms, CR at ng paligid. Napakagaan naman po ng aming trabaho at lubos na mas malaki ang kita sa ibang bansa, ako po ay kumikita ng $650 dollars a month as a cleaner. Pero ang nais ko po sanang ipabatid alam eh 'yung corruption sa ating bansa lalo na sa NAIA immigration. Marami pong nakakagawang makabalik dito sa bansang Iraq kung sila ay magbabakasyon kaya lang po eh kumukuha po sila ng tinatawag na escort na isang empleyado po sa NAIA Immigration at kadalasan eh 'di mo siya makikita, magbabayad ka lang sa isang tao. At 'yung pinaka ESCORT mo eh makakausap mo lang daw po kung ano ang gagawin through text sa cellphone. Halimbawa po eh ganito, pumila ka sa line na ganito at okay na. Kasabwat po niya 'yung taong taga-check sa booth na nagche-check ng mga document. Karamihan po sa amin sa mga nagbakasyon eh nagbabayad ng 8,000 pesos tapos ngayon eh tumaas na daw po sa 12, 000 pesos. 'Di po ba pwedeng lagyan ng camera ang loob ng booth? Kasi 'yung iba naman eh inilalagay na ang pera sa loob ng passport kapag may nakitang 200 US dollars wala na raw tanong tanong pa. Pero sa nabasa ko sa ating kababayan na nagtatrabaho sa bansang Lebanon eh nagbabayad naman sa agency ang company nila ng 2,000 US dollars, Sa totoo po, ako po eh na DENY noong una kahit na may complete documents po ako papuntang DUBAI, UAE. Ganito po kadalasan ang sinasabi ng taga-immigration: "Hmmnnn pupunta ka lang ng Iraq o Lebanon noh?" Tapos malalaman mo bagsak ka kahit na complete documents ka naman. Nais ko pong malaman din kung masama po bang magpabili ng visit visa para makapaghanap ng trabaho sa UAE. Kapag ikaw po ba eh may visit visa kailangan eh visit lang talaga? At walang karapatang mag-apply sa mga company? Oo alam ko naman pong napakahirap maghanap ng trabaho sa UAE pero sa sulat kong ito kung mababasa po ng ating iba pang kababayan ang karapatan ng isang nais bumili ng visit visa papuntang UAE. Kasi kahit na complete document ka naman eh 'di ka pa rin nila patutuluyin d'yan sa NAIA immigration. Wala pong maglakas ng loob dahilan sa ayaw po ng bawat isa sa amin ang 'di na makaalis pang muli at makapagtrabaho sa abroad? Kung pwede lang sana si BAYANI FERNANDO na lang kaya ang maging BOSS sa immigration para magawaan n'ya ng paraan ang corruption na ito. ISA PO AKO SA TAGAHANGA SA MGA MAGAGANDANG HANGARIN NI BAYANI FERNANDO. Nagpapasalamat, Maricel