Lubak at maputik na daan sa Capipisa, Tanza, Cavite
May humigit kumulang ng sampung taon nang huling nasemento ngunit di natapos na kalsada sa may Mabangos St. Capipisa, Tanza, Cavite. Makikitang di natapos ang pagsesemento ng daan at kalahati lamang dito ang nasemento. Ang natitirang bahagi ng kalsada ay naiwan ng puro lubak at maputik sa loob ng sampung taon. Araw-araw ang sakripisyo ng mga residente dito lalo na ang mga estudyanteng lamalakad papasok sa paaralan. Higit na nagpapalala ng sitwasyon ay ang panahon ng tag-ulan.