Sitio Nagmukhang Ilog Dahil Sa Baha
Tuwing umuulan, baha ang problema naming mga taga Sitio Looban, Sta. Cruz, Lubao, Pampanga. Mistulang nagiging ilog ang aming sitio. Kawawa naman ang mga bata na nag-aaral na nababasa ang mga sapatos at pagpasok at paglabas sa school. Ilang taon na pong problema ito. Walang ginagawang solusyon ang mga barangay officials ng Sta. Cruz; nakaupo lang at nag-aantay nalang ng sahod sa barangay. Katamaran at kapabayaan ang ginagawa nila sa halip na ipalinis nila ang daanan ng tubig at gawan ng paraan ang mga bara. Konti lang ang lumalabas na tubig sa labasan ng tubig ng ilog. Kuya Mike, pakigising po ang mga barangay official ng Sta. Cruz, si Barangay Capt. Conrado Diwa at ang Mayor ng Lubao para gawan po ng solusyon ito. Paki-tago po ang aking pangalan.