Project na Walang Budget
Would just like to call the attention of Mr.Juan Untalan Barangay Captain of Brgy. Sangandaan, Project 8, Q.C. More than a month na ung Drainage Project na ginagawa nila sa Property st., Brgy.Sangandaan until now hindi pa nila natatapos ung road. Nakakaalarma na baka paabutin pa nila ito ng another month. Napakalaking abala talaga sa mga residente dito. Ayon sa mga workers nila na gumagawa ng kanilang project, di umano’y WALA NA RAW BUDGET kung kaya’t hindi pa nila mapasementohan ang mga lugar na kanilang pinahukay. Dahilan kung kaya’t lalong napakahirap sa mga residente ang daan particularly sa mga batang estudyante, napakamabato at napakaputik lalo na kung umuulan. Ang sa amin lamang pong mga residente dito, bakit nila naisipang pakialaman ang Drainage Project na ito kung kailan buwan ng tag-ulan samantalang napakahaba ng summer. At bakit kinakailangang galawin ang isang lugar na tinatawag pa man din nilang “PROJECT” na wala naman palang budget?